Inihayag ng City Tourism Office ng Legazpi na may mga naka-line-up nang mga seminars at trainings para sa mga transport sectors tulad ng mga tricycle drivers ngayon taon.
Ayon kay Agapita Pacres, ang head ng nasabing opisina, ipapakiusap niya sa Committee on Chair Transportation na sa unang quarter ng taon ay ilagay muli sa mga tricycle ang fare matrix upang mabawasan ang mga reklamo ng mga dayuhang turista.
Aminado ito na hanggang sa ngayon ay hindi matanggal-tanggal ang problema patungkol sa overpricing ng mga driver.
Dahil dito, makikita na ngayon ng mga pasahero at turista kung magkano ang pamasahe sa kanilang pinupuntahan.
Maaari naman ilapit sa kaukulan ang mga reklamo o hinaing laban sa mga driver na mapagsamantala kung saan mabibigyan sila ng penalidad.
Hindi naman umano wasto ang rason ng mga driver na tumaas ang pamasahe dahil sa tumataas na rin ang presyo ng gasolina. Sinabi ng opisyal, kailangan itong matuldukan at mabigyan ng kaukulang aksyon.