Rabiya Mateo, pumalag sa blind item patungkol sa kanila ni Jeric Gonzales

Umalma si Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo sa inilabas na blind item tungkol sa kanila ng boyfriend na si Jeric Gonzales.

Sinabi kasi sa blind item na mayroong isang beauty queen na may boyfriend na actor ang biglang nag  entrance sa concert ni IU at gustong manood kahit hindi naman umano nagbayad. At ang gusto pa umanong makuhang seat ay VIP na vacant kaya nagmamadali ang guard at organizer.

Dahil dito, nag-post si Rabiya na mayroon silang VIP tickets para patunayan na nagbayad sila ng P12K para sa concert.

Ipinakita rin niya ang apology na natanggap mula sa nag post ng blind item.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *