Anti-agricultural smuggling bill – nakatakda nang lagdaan ng Pangulo

Ibinahagi ni Senate President Chiz Escudero na nakatakda ng pirmahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukalang anti-agricultural economic sabotage bill bukas araw ng Huwebes, Setyembre 26.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Sa ilalim ng naturang panukala, ituturing na economic sabotage ang mga krimen na agricultural smuggling, hoarding, profiteering, cartel at financing.

Ang batas na ito ay layon na malabanan ang smuggling, profiteering, at hoarding ng mga produktong pang-agrikultura.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Samantala, imamandato rin ng panukala ang pagtatatag ng anti-agricultural economic sabotage council.