Ina, arestado sa pagbebenta ng one day old na sanggol

Arestado ng mga tauhan ng PNP Anti Cybercrime Group angisang 26 na taong gulang na ina dahil sa pagbebenta ng kanyang one day old na baby o sanggol na babae.

Ang entrapment operation ng ACG ay isinagawa sa isang lying -in clinic sa malaria sa Caloocan City kahapon.

Read More:  Teachers’ Group again calls for proper implementation of education programs

Nag-ugat ang operasyon nang ma-monitor sa pamamagitan ng cyber patrolling ang bentahan ng baby sa pamamagitan ng social media platform kung saan ibinebenta ng suspek na si alyas lyn ang kanyang sanggol sa halagang p40,000.00

Hindi nagsayang nang panahon ang pnp acg at ikinasa ang meet-up na nagresulta sa matagumpay na operasyon .

Read More:  New US Ambassador to PH meets with Ambassador Babes Romualdez

Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 11862 at RA 7610 o special protection of children against child abuse, exploitation and discrimination act na may kaugnayan sa paglabag sa r.a. 10175 o cybercrime prevention act of 2012 ang suspek.