CAMARINES NORTE- Nakapagtala ng sampung bagong kaso ng COVID- 19 ang bayan ng Basud noong weekend.
Batay sa case bulletin ng LGU, anim sa sampung ito ay pawang close contact ng naunang kaso.
Ang mga bagong nagpositibo sa sakit ay nagmula sa Barangay Mandazo na mayroong apat at isa sa Caayunan na pawang close contact ni Bicol No 48695, ang driver na unang nagpositibo sa sakit.
Mayroon ding bagong nagpositibo sa Barangay Poblacion 2 na close contact rin ng naunang kaso at tig iisa mula sa Barangay ng San Felipe, Oliva at Matnog.
Lima sa sampu ay walang nararamdamang sintomas.
Ang siyam ay nasa Temporary Treatment and Monitoring Facility ng LGU habang ang isa ay nagpapagaling sa isang pribadong ospital dito sa Daet.
Ayon sa LGU ang mga close contact ng mga bagong nagpositibo ay naka quarantine na at sasailalim sa RT- PCR test.
Sa ngayon ay umaabot na sa 267 ang kabuuang kaso ng COVID- 19 sa naturang bayan.
Sa bilang na ito 30 ang aktibong kaso , 220 ang gumaling at 17 ang nasawi.
Sa 29 na barangay sa naturang bayan 9 ngayon ang mayroong aktibong kaso.
Pinakamarami sa Poblaicon 2 na may pito, lima sa Laniton at Mandazo, tatlo sa Matnog, San Felipe at Tacad habang may tig isang aktibong kaso naman ang Caayunan at Oliva.
