Manager ni Francine Diaz, itinangging nililigawan ang aktres ni Seth Fedelin

Nagsalita na ang manager ni Francine Diaz na si John Ling, hinggil sa mga espekulasyon na nililigawan ang kanyang alaga ni Seth Fedelin.

Ang isyu kaugnay kina Diaz at Fedelin ay kasunod ng pagviral ng mga larawang ipinost ng ina ni Diaz, kung saan makikita ang aktor sa bahay nina Francine noong Bagong Taon.

Dahil dito, maraming mga netizens ang nang-usisa kung anu ba talaga ang real score sa pagitan ng dalawa.

Sa paglilinaw ng manager ni Francine sa kanyang post, iginiit nitong walang katotohanan ang naturang haka-haka, kasabay ng 100 percent na emoji.