Anim na aftershocks naitala matapos ang magnitude 6.2 na lindol sa Catanduanes

Aabot sa anim na aftershock na ang naitala simula ng yanigin ng magnitude 6.2 na lindol ang karagatan na sakop ng Gigmoto, Catanduanes kagabi.

Pinamalakas na aftershocks ay naitala sa magnitude 4.9 bandang alas-10:43 kagabi at magnitude 4.3 naman kaninang ala-1:48 ng umaga.

Read More:  Gatchalian tells sleepy impeachment court visitors to stay home

Ayon sa Phivolcs asahan pa ang posibleng aftershocks sa mga lugar kung saan naiatala ang epicenter ng lindol.

Nabatid na umabot sa Intensity IV ang naramdamang pagyanig sa Virac Catanduanes habang Intensity III hangang Intensity 1 ang naramdaman sa ilang bahagi ng Bicol Region, Northern Samar, Eastern Samar, at Leyte.

Read More:  Philippines named Asia’s Leading Dive Destination for 8th straight year

Binawi na rin ng Phivolcs ang unang inilabas na tsunami warning matapos walang makitang sea level disturbance matapos ang pagyanig.