DOH Camarines Sur, nagbabala sa pagpepenitensya at pagpapapako sa krus

NAGA CITY- Nagbabala ang Department of Health – Camarines Sur sa mga magpepenitensya at magpapako sa krus.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni DOH Camarines Sur Officer Dr. Rey Millena na inirerespeto nila ang mga panata na ito pero mas mainam aniya kung magsisi ng mga kasalanan nang hindi sinasaktan ang sarili.

Read More:  Dump truck falls into sea while boarding ship in Cebu

Aniya delikado sa impeksyon ang naturang mga gawain, maaari rin aniyang matetano. Kahit na aniya sanitize ang gamit, hindi pa rin makasisiguro sa kaligtasan. Delikado rin kung matamaan ang ugat ng pako. Delikado rin aniya kung gagawin ito sa ilalim ng mainit na sikat ng araw.

Read More:  High-ranking NPA leader killed in Albay clash

Hangad ng DOH ang ligtas na paggunita ng Semana Santa