SORSOGON CITY – Dumating na ang 172 Vote Counting Machines (VCM) at iba pang mga suplay na gagamitin sa May 9 National and Local Elections sa lungsod ng Sorsogon.
Nabatid na ang bilang ng Clustered Precincts (CP) o bilang ng rooms ng pagbobotohan, ay siyang magiging katumbas umano na bilang ng VCMs.

Ang CCS o Consolidation and Canvassing System kit naman ay binubuo ng laptop, printer at transmission device na gagamitin ng mga Board of Canvassers (BOC) sa pag-canvass ng boto at pagconsolidate ng results.
Katumbas naman ng CCS kit ang bilang ng City/ Municipalities at ang Provincial Canvassers.
Samantala, inihanda na ang mga Ballot Boxes sa loob ng City Hall.
Bago o sa Mayo 4 naman ay nakatakdang gawin ang Final Testing and Sealing (FTS) ng VCMs.
