Ammonia leak, nangyari sa isang planta ng yelo sa Pasay City

Apat na fire volunteers ang binigyan ng first-aid matapos mahirapang huminga at makalanghap ng sumingaw na ammonia mula sa isang cold storage facility sa F.B. Harrison Street sa Pasay City.

Ayon sa Bureau of Fire Protection ng Pasay, 9:40 ng umaga nang mangyari ang insidente.

Isang empleyado ang nasaktan matapos matapilok sa pagmamadali palabas ng ice plant.

Wala namang residente sa paligid ng planta ang naapektuhan ng ammonia leak.

Wala na ring dapat ipangamba ang publiko dahil under control na ang sitwasyon.

Hindi pa matiyak kung paano nagsimula ang Ammonia Leak pero tinitignang pinagmulan nito ang pagawaan ng yelo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *