Muling paga-angkat ng asukal – inaaral ng SRA

Maaari na ulit mapahintulutan ng Sugar Regulatory Administration ang pag-angkat ng bansa ng asukal sa susunod na buwan.

Ayon kay SRA Administrator Pablo Azcona, aprubado na ito ni Pangulong Bongbong Marcos sa naging pagpupulong nila kamakailan.

Aabot umano sa 185,000 hanggang 200,000 metric tons (MT) NG asukal ang kinokonsiderang ma-import ng bansa batay sa direktiba ng pangulo.

Ani Azcona, ayaw nang maulit ng gobyerno ang nangyari noong 2022.

Noon kasi ay bumagsak ang suplay ng naturang agri-product, at sumirit din ang presyo nito.

Sa oras umanong magkaroon na ng go signal, posible nang dumating ang imported na asukaal sa buwan ng Hulyo hanggang Agosto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *