Binuong ‘super body’, suportado ni Gabriela party-list Rep. Brosas

Wi-nelcome ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas ang binuong ‘super body’ ni Pangulong Bongbong Marcos para tutukan ang mga human rights cases sa bansa.

Sa panayam ng Brigada News FM kay Brosas, sinabi nitong walang problema sa kanila ang dagdag na mekanismo para tugunan ang mga kaso kaugnay ang karapatang pantao.

Sa kabila nito, binigyang-diin ng mambabatas na dapat maging malinaw kung paano ang pagpapatupad nito.

Mahalaga kasi aniyang malaman kung ano ang mangyayari sa ‘super body’ na ito, lalo pa’t marami nang kautusan ang naibigay ng Pangulo.

Sa huli, tiniyak ni Brosas na suportado nila ang mga hakbang na makatutulong sa human rights situation sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *