Ama inaresto matapos mahuli sa akto ng kanyang asawa sa pangagagahasa sa kanyang anak na menor de edad, isa pang menor de edad na anak, umaming ginahasa rin ng sariling ama

CAMARINES NORTE – Nagpupuyos sa galit ang isang ginang ng magtungo sa himpilan ng pulisya upang isumbong ang panghahalay ng kanyang asawa sa kanila mismong menor de edad na anak

Nahuli mismo ng ginang sa akto ng pangagahasa ang asawa na nakitang nakahubad at diumano’y may ginagawang kahalayan sa kanilang menor de edad na anak na babae pasado alas dos ng madaling araw  nitong Nobyembre 16, 2021 sa isang barangay sa Labo, Camarines Norte.

Ang nasabing suspek ay kinilalang si alyas “Robert”, 54 anyos at residente ng nabanggit na lugar.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

 Ayon sa salaysay ng ina ng mga biktima, sa nabanggit na oras at lugar ng mahuli niya ang kanyang asawa na nakahubad pati na ang kanyang anak na si “nene” 16 anyos, na parehong walang pang ibabang damit sa mismong silid ng kanyang mga anak na babae. Nang kanyang kausapin ang kanyang anak ay isiniwalat nito na matagal na siyang hinahalay ng kanyang ama na nagsimula pa noong buwan ng Enero, taong 2020.

Ayon sa imbestigasyong isinagawa ng tauhan ng WCPD, diumano ay biktima rin ang isa pang anak nito na menor de edad na nakaranas rin ng kaparehong pangyayari sa kanyang ama.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Saad pa ng mga biktima, hindi umano sila nagsusumbong dahil sa pananakot ng kanilang ama sa pamamagitan ng pagdadala ng kutsilyo upang maisakatuparan ang kanyang maitim na balak.

Ang suspek ay kaagad na dinakip ng kapulisan matapos ang pagsumbong ng mag-ina.

 Sa kasalukuyan ay himas rehas ito ngayon sa himpilan ng Labo MPS habang inihahanda ng mga tauhan ng WCPD ang kasong isasampa sa kanya.