Nakatakdang gawin ngayong araw ng Huwebes, December 29 hanggang bukas araw ng Biyernes, December 30 ang release ng allowance ng mga City Scholars.
Gagawin ito sa City Hall, sa labas ng right wing SP area para sa mga 1st year o bagong pasok sa SSU at iba pang mga paaralan.
Sa City Hall, sa labas ng left wing CSWDO area ang venue para naman sa mga 2nd year SSU at iba pang paaralan habang ang mga 3rd year at 4th year SSU at ibang paaralan ay Sa City Hall 1st floor lobby.
Sa tanggapan naman ng BAPAS ang venue para sa reimbursement ng tuition para sa ALS at City Scholars.
