Mga maliliit na bangka sa karagatang sakop ng Camarines Norte hindi pa rin pinapayagang bumiyahe

CAMARINES NORTE- Epektibo pa rin ang ipinatutupad na temporary suspension sa pagbiyahe ng mga maliliit na sasakyang pandagat sa mga karagatang sakop ng Camarines Norte.

Ayon sa Camarines Norte Coast Guard Station tuloy- tuloy daw kasi ang gale warning kaya hindi pa nili- lift ang Notice to Mariners na ipinalabas noon pang December 22 na pansamantalang nagsususpinde sa biyahe ng mga bangkang 250 G.T pababa.

Ibayong pag- iingat naman ang paalala ng Pagasa sa publiko lalo na sa mga nakatira sa coastal at islands barangay na tatawid papunta sa bayan para mamalengke ng kanilang pang media noche.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ayon kay Pagasa Daet weather specialist Anjanette Ebron mayroong minomonitor ngayon ang state weather bureau na isang Low Pressure Area sa may silangan ng Guiuan Eastern Samar.

Pero hindi  na umano ito inaasahang mabubuong bagyo sa sususnod na dalawampu’t apat na oras.

Wala na rin umanong mabubuong bagyo sa loob ng Philippine Area of Responsibility sa pagtatapos ng taon.

Gayunman asahan umano ang mahihinang pag ulan hanggang sa pagsapit ng bagong taon.

Nakaranas naman ng malakas na pag ulan ang Camarines Norte simula kaninang madaling araw at halos zero visibility rin kanina ang kalsada.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Asahan pa rin ang mga pag ulan ngayong buong maghapon dahil sa LPA.

Samantala, nag abiso naman ang Primewater kaninang umaga sa mga consumer sa Daet South, Basud at Mercedes na posibleng maranasahan ang mababang pressure hanggang sa pagkawala ng tubig.

Dahil ito sa partial o pagtigil ng operasyon ng Dagotdotan Filtration Facility bunsod ng intermittent heavy rainfall na nagiging dahilan naman ang paglabo ng Mampurog River.

Kaya naman hinihimok ang mga residente sa nabanggi na lugar na mag- ipon ng tubig.