Pinaghahandaan na rin ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ang posibleng epekto ng nagbabadyang La Niña.
Sa Bagong Pilipinas program, sinabi ni DSWD USec. Edu Punay, may naka stand by nang pondo ang ahenysya na nagkakahalaga ng 2.7 billion pesos.
Ang pondong ito ay laan para sa pagtugon sa mga pangangailangan ng publiko sa panahon ng La Niña.
Samantala, patuloy pa rin ang DSWD sa pagpapaabot ng tulong sa mga lubhang nasalanta ng El Niño.
Tuloy-tuloy rin ang pagpapaabot ng tulong ng ahensya sa mga apektado ng pag alboroto ng bulkang Kanlaon.