CAMARINES SUR – Naka-quarantine at nagpapagaling na ang alkalde ng Sagñay, Camarines Sur, matapos itong magpositibo sa COVID-19.
Sa kanyang facebook live, kinumpirma ni Mayor Jovi Fuentebella, Biyernes, May 17, nakaramdam siya ng sore throat, nag-swab test at dito nakumpirmang positibo siya sa naturang virus.
Kaugnay nito nagpaalala naman ang opisyal sa publiko na mag-ingat pa rin at magsuot ng facemask lalo na kung magbabiyahe at sasakay sa mga pampublikong saksakyan, at pupunta sa mga poorly ventilated areas. Samantala, sa pinakahuling tala naman ng Department of Health Bicol, nasa 28 na kaso ng Covid 19 ang naitala sa buong kabikolan nitong nakalipas na linggo.