CAMARINES SUR- Walang problema kung uniporme ang isusuot sa graduation ceremony at hindi rin dapat pilitin ang walang pang rent ng toga, ito ang binigyan diin ng Department of Education Camarines Sur Division bilang paalala sa mga paaralan at Parent–Teacher Association (PTA)/ ngayon nalalapit ang end of school year rites.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Atty. Salvador Pelingon spokesperson ng DepEd CamSur, sinabi nitong nasa kamay na ng paaralan kung papaano pag-uusapan ang mga babayaran pero dapat simple aniya at majority sa mga magulang ay umayon dito. Nakapalaman sa DepEd Order No. 003, s. 2024 ang mga guidelines sa ang end of school year rites.
Sa ilang paaralan napagkasunduan ang pag renta ng toga ay nasa P150.00. Ang tema para sa pagtatapos ngayong school year 2023-2024 ay “Kabataang Pilipino Para sa Matatag na Kinabukasan ng Bagong Pilipinas.”