Alkalde ng Basud hinimok ang mga kapwa Local Chief Executive na suportahan ang DOH sa MR OPV SIA na ilulunsad sa Mayo

CAMARINES NORTE- Hinimok ni Basud, Camarines Norte Mayor Adrian Davoco ang mga kapwa Local Chief Executive na suportahan ang Department of Health sa Measles Rubella Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity (MR OPV SIA 2023) na ilulunsad sa buwan ng Mayo.

Ayon sa Alkalde na isa ring Medical technologist, mapanganib ang mga sakit na ito para sa mga bata kaya marapat lamang umanong bigyan ng kaukulang pansin.

Aniya hindi na dapat pang hintayin na mayroong malumpong bata dahil sa polio dahil marami na rinddaw ang mga namatay sa mga ganitong sakit.

Kung tutuusin ay eradicated na umano ang mga sakit na ito sa ibang bansa.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

“Ako po bilang medical technologist, nag aral kami niyan, pinag aralan ho namin yan, ang ito po ay eradicated na sa ibang bansa, dito na lang po sa atin kaya po ako bilang Local Chief Executive  ay humihingi ng tulong sa ating mga kasamahan na gampanan natin ang trabaho natin, nang sa ganun po magiging proud na rin tayo  na sa bayan natin sa ating probinsiya, wala nang magkakasakit ng polio at ng rubella, measles.”

Ang Polio, Rubella at Tigdas ay mga sakit na lubhang nakakahawa at nakakamatay para sa mga bata.

Walang gamot laban dito at tanging bakuna lang ang paraan para masiguro na ligtas ang bawat bata kontra tigdas, tigdas hangin at polio. Ito rin ang paraan para maiwasan ang outbreak.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Batay sa datos ng DOH, nagkaroon ng 160 % na pagtaas ng kaso ng rubella at measles noong 2022.

Ngayong 2023 ay nasa panganib ang Pilipinas na magkaroon muli ng polio at measles outbreak at tumaas din ang kaso ng rubella o tigdas hangin.

Matatandaan na noong nakaraang linggo, ay ginawa sa lalawigan ang Local Chief Executive and Stakeholders Symposium on MR OPV SIA 2023.

Sa naturang aktibidad ay dalawang Alkalde lang ang dumalo, ang iba ay nagpadala ng mga kinatawan habang ang iba namang munisipyo ay walang ipinadala.