Ilang gas station na sa Naga City dumaan na sa inspeksyon at annual calibration

NAGA CITY – Ilang gas station na sa Naga City, ang dumaan na sa inspeksyon at annual calibration, magandang balita dahil walang  nakitang pandaraya..

Tulad na lamang sa Barangay Abella at sa Barangay Bagumbayan Sur.

Sa naging panayam ng Brigada News FM Naga kay City Councilor Doc. Jess Albeus, Chairman of Committee on Consumer Protection, sinabing paraan ito upang masiguro na tama ang quantity o dami at walang nagaganap na dayaan sa inilalabas na petrol gas na ibinibenta ng mga gasolinahan sa mga motorista. Sinisiguro rin na maayos ang kalidad, walang halong tubig.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City
Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Nakatakda namang mabisita sa ibang araw ang ilan pang mga gasolinahan sa lungsod.

Muli namang nagpa-alala ang Konsehal na malaki ang penalidad na kakaharapin ng isang gas station kapag nakalabag at hindi ito naging patas, kung magiging paulit-ulit, otomatikong maipapasara ang kanilang gasolinahan.