Alice Guo, posibleng sa Sabah Malaysia dumaan palabas ng Pilipinas

Iniimbestigahan na mga otoridada kung Sabah Malaysia rin pumislit palabas ng bansa si dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo tulad ng kanyang kapatid na si Shiela Guo.

Read More:  Marcoleta pleads not guilty in plunder case

Ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission, tumutulong sa pagpapalipat-lipat ng magkakapatid na Alice, Shiela, at Wesly ang sindikato sa likod ng mga POGO.

Kabilang diyan ang Singaporean na si Zhang Jie at ex Chinese police na si Duanren Wu na inisyuhan na ng Immigration lookout bulletin order dahil sangkot sa human trafficking.

Read More:  AFP rejects China Coast Guard claims on Ayungin Shoal incident

Nakikipagtulungan na rin ang mga otoridad sa kanilang foreign counterpart para mahuli na si Guo at ang mga nasa likod ng kanyang pagtakas at pagtatago.