Age are just numbers para sa 1960 Kenyan couple na kinasal ngayong 2024

‘Love know no boundaries’ yan ang pinatunayan nina Ibrahim Mbogo at Tabitha Wangui ng Kenya na ikinasal sa edad na 95 at 90.

Ang Kenyan couple ay unang nagkakilala anim na dekada na ang nakararaan at nagsasama sa loob ng 64 years.

Nang tanungin kung bakit ngayon lang nagpakasal ang magkasintahan ay matagal daw nila bago ito napagdesisyonan at bagamat kasal na sa Kikuyu, nanaig ang kanilang pagiging kristyano kaya’t nagkaroon sila ng church wedding.

Sa kabila ng tagal ng kanilang pagsasama nangako pa rin sila sa isa’t isa na magsasama sa hirap at ginhawa hanggang kamatayan.