DOH, hindi pa nakikita kung konektado ba ang 2 bagong kaso ng mpox sa unang naitalang kaso noong nagdaang mga araw

Hindi pa sigurado ang Department of Health (DOH) kung konektado ang dalawang pinakabagong kaso ng mpox sa case number 10.

Sa isang pahayag, sinabi ni DOH Asec. Albert Domingo na may posibilidad na konektado ang mga kasong ito, pero hindi pa nila ito nakikita.

Read More:  2 reported dead as Inday-enhanced monsoon hits Mindanao

Binigyang-diin din ni Domingo ang sinabi ni Health Secretary Ted Herbosa na ano man ang koneksyon ng mga ito – abiso pa rin na iwasan muna ang magdikit-dikit ng balat.

Read More:  Garin rejects claims linking saliva, runny nose to lying

Ongoing pa rin umano ang contact tracing sa mga kasong ito.

Sa kasalukuyan, 3 na ang naitalang mga bagong kaso ng mpox ngayong taon.