Hindi nakausad ang Pilipina tennis player na si Alexa Eala sa main draw ng 2024 US Open sa New York.
Ito ay matapos siyang talunin ni World no. 158 na si Elana Gabriela Ruse ng Romania sa 3rd round ng qualifiers.

Hawak ni Eala ang unang set pero sa second set dumanas siya ng pananakit ng balakang at humingi ng medical time out.
Lumaban pa si Eala sa third set pero sa huli na naig ang Romanian sa score na 3-6, 6-1, 6-4.