Daniel Padilla, balik-teleserye na!

” Save the best for last” komento ng mga netizens matapos lumabas sa teaser ng panibagong teleserye ng aktor na si Daniel Padilla.

Agad nag trending ang teaser ng teleserye na pinagbibidahan ng aktor kasama ang ilang kilalang personalidad kagaya nina Richard Gutierrez,  Baron Gaisler, Kaila Estrada, Maris Racal, Anthony Jennings at Ian Veneracion.

Read More:  The Pod Network terminates ‘Machong Chismisan’ podcast contract ‘effective immediately’

Ikinatuwa naman ng mga tagahanga ng 29-year-old actor ang rebelasyong ito lalo’t matagal ng hindi gumagawa ng teleserye ang aktor.

Read More:  ‘Machong Chismisan’ Podcast faces backlash over insulting remarks about Kris Aquino’s son Josh

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na wala pang proyektong tinatanggap ang aktor matapos ang hiwalayan nila ng kanyang loveteam at ex-partner na si Kathryn Bernardo.