Inihayag ni Alden Richards na handa na siyang iwan ang Showbiz kapag nagkaroon na siya ng bagong karelasyon.
Hindi raw niya kasi kayang pagsabayin ang love life o pagkakaroon ng family at work dahil may mako-compromise raw.
Dahil dito, iiwan niya agad ang industriya para mas makapag-focus sa kanyang magiging “future family.”
Dagdag pa niya, mas nakikita niya rin ang sarili niya na mag settle down na sa mga susunod na taon dahil gusto niya ring ma-witness ang paglaki ng mga soon-to-be babies niya.
