Bagong paraan sa pagtugon sa isyu ng WPS iminumungkahi ni PBBM

Naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kailangan ng magkaroon ng  bagong pananaw sa pagtugon sa isyu ng West Philippine Sea lalo na’t mabagal ang pag-usad ng mga reklamo na inihahain ng bansa laban sa China.

Read More:  House approves P7.2-trillion 2027 national budget on second reading

Inamin ng Pangulo na patuloy na hindi pinapansin ng China ang mga tradisyunal na pamamaraan ng Pilipinas sa usaping diplomasya.

Ilang taon na aniya naghahain ang gobyerno ng note verbal at nagpapadala ng demarche pero halos wala naman itong nagagawa.

Read More:  Fake PWD ID users estimated at 8.5 million — NCDA

Kaya kailangan aniya magkaroon ng bagong pananaw sa pagtugon sa isyu ng WPS na hindi pa nagagawa ng Pilipinas.

Sinabi pa ni Marcos na panahon na para kausapin ang ibang mga bansa para maramdaman nila na mayroon silang partisipasyon sa pagtugon sa isyu.