Albay PHO, makikipagtulungan sa 2 malalaking pampublikong ospital sa Bicol para palakasin ang referral system sa lalawigan

LEGAZPI CITY – Makikipagtulungan ang Albay Provincial Health Office sa dalawang malalaking pampublikong ospital sa Bicol para mas palakasin pa ang referral system sa lalawigan.

Ang nasabing mga ospital ay ang Bicol Medical Center sa lungsod ng Naga at Bicol Regional Hospital and Medical Center sa lungod ng Legazpi. Ito ang kinumpirma ni Hospital Monitoring Team Focal Claudette Benito-Boque, kasunod ng pagbisita kamakailan ni Dr. Nathalie Lazaro, Head ng Public Health Unit at Nurse Geraldine Liggotan Sagun ng BMC. 

Read More:  5-year-old boy dies after falling into pit in Davao City

Ayon sa opsiyal, ang nasabing dalawang medical center ang napili dahil ito ang mga apex hospital sa rehiyon kung saan sumang-ayon naman ang mga ito na magsilbing end referral hospital para sa natatangi at espesyal na mga medikal na pangangailangan ng mga pasyente na nagmumula sa Primary Care Facilities, at mga ospital na pinamamahalaan ng Pamahalaang Panlalawigan.

Read More:  63-year-old fish vendor shot in Cebu City by riding-in-tandem gunmen

Ito rin ay alinsunod sa algorithm at mga alituntunin na itinakda sa Administrative Order No. 2020-0019 ng Department of Health, o mas kilala bilang, “Guidelines on the Service Delivery Design of Health Care Provider Networks.”