SPA, nagbaba ng planong ordinansa ukol sa pag-institutionalize ng Provincial Cold Room

LEGAZPI CITY – Nagbaba ang Sangguniang Panlalawigan ng Albay ng draft ng Provincial Ordinance tungkol sa pag-institutionalize ng Albay Provincial Cold Room sa ilang mahahalagang department heads nito para kunin ang kanilang mga komento at rekomendasyon ukol dito.

Ang nasabing planong ordinansa ay ibinababa kay Provincial Health Officer Dr. Estela B. Zenit at Provincial Legal Officer Ret. Judge Joel Rubio kung saan hinihingi ng SPA ang kanilang komento o saloobin tungkol sa operasyon ng pasilidad.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Naglalayon itong pataasin ang logistics at cold chain capacity ng cold room facility na matatagpuan sa Ligao City upang mapabuti ang imbakan ng medikal para sa COVID-19 at iba pang regular na bakuna sa National Immunization Program. Ang nasabing draft ng resolusyon ay inaasahang tatalakayin sa mga pagdinig ng komite ng SPA at kalaunan ay maipapasa sa mga susunod na regular na sesyon.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives