BICOL—Nasa ikaapat na araw na ngayong Martes ang vaccination rollout ng pamahalaang panlalawigan ng Albay na isinasagawa sa Albay Astrodome.
Kahapon, Hulyo 5, muling naitala ang record high single day vaccination turnout sa lalawigan matapos mabakunahan ang nasa 2,091 na mga indibidwal mula sa categories A1, A2, A3 at iba pang essential workers.
Mas mataas ito kumpara sa naging turnout sa nagdaang dalawang araw mula nang umarangkada ang Albay Vaccination program.
Nitong Sabado, sa ikalawang araw ng pagbabakuna ay umabot sa 1,665 ang mga naturukan sa loob lamang ng isang araw na pawang mula sa mga nabanggit na pritority groups.
Noong Biyernes nang sinimulan ang programa kung saan nasa 1,205 na mga Albayano ang nabakunahan at patuloy na tumataas ang bilang na ito kada araw.
Umaasa ang local na pamahalaan na magiging daan ito upang mapigilan na ang pagdami pa ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan.
Kahapon, naitala ang mataas na recoveries sa COVID-19 na umabot sa 80 habang apat lamang ang bagong kaso.### || SLM

