Aktibong kaso ng COVID-19 sa Camarines Norte sumampa na sa mahigit 400; 17 panibagong kaso naitala kahapon

CAMARINES NORTE- Pumalo na sa 1055 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Camarines Norte sa ipinalabas na ulat ng DOH Bicol kahapon

Ito ay matapos na madagdagan ng 17 panibagong kaso ang lalawigan

Ang mga bagong nagpositibo ay mga residente sa bayan ng Labo na mayroong bilang na 6 , Daet 5,  tig-dalawa sa bayan ng Mercedes at Vinzons habang tig-isang kaso naman ang naitala sa bayan ng Jose Panganiban at Paracale

Sa kabuuang bilang ng naitatalang kaso , 407 dito ang aktibong kaso

Samantala wala namang panibagong naitala na nakarekober at nasawi sa naturang sakit kung kaya ito ay nananatili parin sa bilang na 616 at 32

Patuloy rin naman ang pag papaalala ng DOH na panatilihin ang pagsunod sa mga Safety Protocol na ipinatutupad ng IATF upang hindi na mahawa pa sa naturang sakit .