CAMARINES NORTE- Pumalo na sa 854 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Camarines Norte.
Ito ay matapos na makapagtala muli ng 42 bagong kaso ang DOH CHD Bicol kahapon
Ang mga bagong kaso ay naitala mula sa bayan ng Labo na may 11, ang Daet na nanananatiling nasa high risk status ngayon ay may 9 na bagong kaso
Habang 8 ang nagmula sa Jose Panganiban, tig- 4 na kaso naman ang bayan ng Mercedes at Paracale, 3 mula sa Basud, 2 sa Vinzons at 1 sa bayan ng Talisay
Wala naitalang bagong recoveries kung kaya’t nananatili sa 1,546 ang total recoveries gayundin ang bilang ng mga nawalan ng buhay dahil sa COVID-19 na may 93 total death toll
Sa ngayon ang Camarines Norte ay may 2,493 total cases ng COVID-19
