Claudine Barretto, tatakbo bilang konsehal sa Olongapo sa 2022

Balak ng aktres na si Claudine Barretto na pasukin ang mundo ng pulitika sa 2022.

Inanunsyo ng Bangon Olongapo nitong Biyernes na tatakbo si Barretto bilang konsehal ng Olongapo City.

Makakasama niya sa ilalim ng parehong ticket ang starmaker at talent manager na si Arnol Vegafria, na nagpaplanong tumakbo sa pagka-alkade sa parehong lungsod.

Makikita rin sa local slate ng grupo si JB Saliba, na 2019 Mr. World Philippines titilist, na tatakbo rin bilang konsehal.

Mababatid na ang 42-anyos na si Barretto ay nagsimula sa pag-aartista noong 1992.

Kinilala ang aktres bilang “Optimum Star” noong kalakasan pa ng showbiz career nito noong 90s at noong maagang mahagi ng 2000.

Nitong mga nakaraang taon ay naging laman siya ng headlines nang maging kontrobersyal ang awayan ng Barretto sisters at ng iba pang miyembro ng kanilang pamilya, na kinabibilangan nina Gretchen at Marjorie at pati na rin ng pamangkin nito na si Julia.