COVID- 19 cases sa bayan ng Talisay umabot na sa 144

CAMARINES NORTE- Umaabot na sa 144 ang bilang ng mga naitatalang kaso ng  COVID- 19 sa bayan ng Talisay batay sa datos na ipinalabas ng Municipal Health Office as of September 22, 2021.

Bunsod nito sumampa na sa 34  ang aktibong kaso ng COVID- 19 sa naturang bayan

Nangunguna sa may pinakamaraming aktibong kaso ang Brgy Poblacion na may 14, may tig-7 kaso naman ang Brgy. Binanuaan at Itomang, may 2 aktibong kaso naman ang Brgy San Francisco

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Habang may tig-i-isang kaso ang mga Barangay ng Sta Elena, Cahabaan, Gabon, at Sta. Cruz

Nadagdagan naman ang barangay na Zero case sa COVID-19, ito ay  Calintaan, Del Carmen, San Isidro, San Nicolas , Sto. Nino, San Jose at Caawigan

Sa ngayon ang bayan ng Talisay ay may naitatala ng 99 pasyente na gumaling sa sakit  at 12 ang nawalan ng buhay dahil sa COVID-19

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Ayon naman kay Mayor Donovan Mancenido ang lahat ng mga naging close contacts na nagpositibo sa sakit ay kasalukuyan na ngayong sumasailalim sa mahipit na quarantine

Ang naturang LGU ay patuloy na nagpapaalala sa publiko na pagibayuhin ang dobleng pag-i-ingat upang hindi na tumaas pa ang kaso ng COVID-19