CAMARINES NORTE- Inendorso ng LGU labo sa pamamagitan ni Acting Mayor Alvin Bardon sa mga Barangay ang kanilang mga residenteng nagpositibo sa COVID-19 dahil sa kawalan ng sapat na pondo ng LGU para sa operasyon ng Labo Ligtas COVID Center.
Ito ang naging laman ng sulat ni Acting Mayor Bardon, gayundin ang mga dahilan na sa kabila ng mga ginawang aksyon ng LGU ay nabigo ang LGU Labo, tulad na lamang ng sana’y pagsangayon ng Sangguniang Panlalawigan sa pag-a-apruba ng annual budget sa taong 2021.

Nakalagay din sa sulat, ang mga pagkakataon na tinanggihan ang LGU sa hiling ng Sangguniang Bayan kay Gobernador Edgardo Tallado para mag-assume ng full Responsibility sa operasyon ng pasilidad ng COVID-19 ng LGU labo matapos na sagutin naman ito sa pamamagitan ng liham mula kay Atty. Don Culvera.
Ang bayan ng Labo ay mayroon ng 138 na kabuuang bilang ng naitatalang Kaso ng COVID-19 at dalawamput pito (27) dito ay aktibong kaso

