AI Boyfriend, nauuso ngayon sa social media

Wala nang mahihiling pa ang isang babae sa China dahil nakilala niya na ata ang boyfriend na all-check ang kanyang hinahanap.

Ayon kasi sa babae, mabait at maasahan ang nasabi nitong boyfriend. Ngunit may isang problema, isa lamang itong AI o Artificial Intelligence boyfriend.

Saad ni Tufei, nasa kanyang piling na agad ang kanyang boyfriend kapag kinakailangan niya ito, dahil agad-agad niya itong nakakausap sa isang pindot lamang.,

Ngunit bukod pa kay Tufei, may isa pang babae ang nahuhumaling sa AI Boyfriend na ito.

Saad naman ni Wang Xiuting, na isang estudyante sa Beijing, mahirap makatagpo ng ”ideal boyfriend” sa totoong buhay.

Kaya sa pamamagitan ng pakikipag relasyon sa isanng hindi totoong tao, maari nilang ma-customize ang edad at hobbies ng kanilang boyfriends upang maging swak na swak sa kanila ito.