KORONADAL CITY – SA oras na matapos na ang paglalagay ng mga concrete-barriers mula sa roundball patungo sa traffic light ng crossing Barrio 2, Koronadal, itatakda naman ang paglalagay ng mga concrete barriers mula sa roundball patungo sa Barangay Morales hanggang sa boundary ng bayan ng Tantangan.
Ito ang inihayag ni City Traffic Management Head Joy Placer sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal bilang miyembro ng engineering component ng Local Public Transport Route Plan o LPTRP ng lungsod sa layuning masunod ang utos ng national government para sa mga component cities sa buong lungsod. Ayon kay Placer, kung pagbabasehan ang ordinansa, mayroon padding mga intersection at junction roads ang isasarado ng concrete barriers.
Nilinaw ni Placer, na hindi ang kanilang opisina, ngunit ang City Engineering Office ang nagpaplano kasama ang DPWH at iba pang mga concerned government offices para sa proyektong ito. Inaasahan na nasa P7-million padin ang pondo na gagamitin para sa proyektong ito. Kinilala rin Placer ang gradual na pagpapatupad ng transition period ng LPTRP at TTRP.
