Napanatili pa ng Bagyong #AghonPH ang lakas nito habang nasa coastal area ng San Vicente, Northern Samar.
Sa 11am bulletin ng PAGASA, huling na-monitor ang taglay na lakas nito sa 55 kilometro kada oras, at bugsong aabot ng hanggang 85 kilometro kada oras.
Nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal number 1 sa mga sumusunod:
Luzon:
Eastern portion ng Bulacan, eastern portion ng Nueva Ecija, Aurora, northern at southeastern portion ng Quezon kabilang ang Pollilo Islands, eastern portion ng Laguna, eastern portion ng Rizal, eastern portion ng Romblon, Marinduque, Sorsogon, Albay, Catanduanes, Camarines Sur, Camarines Norte, Masbate kabilang ang Ticao at Burias Islands
Visayas:
Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Biliran, northern portion ng Leyte, at ang extreme northern portion ng Cebu.