Muling itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos bilang ad interim secretary ng Department of Migrant Workers o DMW si Hans Leo Cacdac.
Kasunod ito ng ginawang pag-bypass sa kanya ng makapangyarihang Commission on Appointment.
Ayon sa Presidential Communications Office, kasama si Cacdac sa listahan ng mga Presidential Appointees na inilabas kahapon.
Indikasyon daw ito ng mataas na trust and confidence sa kanya ng Punong Ehekutibo.
Unang itinalaga si Cacdac na DMW Secretary nitong April, pitong buwan matapos itong maging OIC ng ahensya kasunod ng pagpanaw ng dating kalihim na si Toots Ople.