Age restrictions ng National IATF sa mga batang papayagang lumabas ng bahay, di na babaguhin sa Olongapo

Malabo nang baguhin ng Local Inter Agency Task Force Against Covid-19 ng Olongapo ang age restrictions ng mga batang papayagang lumabas ng bahay kasama ang magulang para mamasyal.

Ayon kay Mayor Lenj Paulino, hindi na kailangan pang gawing mas matanda sa limang taong gulang ang edad ng mga papayagang lumabas dahil ang mga mas nakababata ang dapat iwasang makulong sa bahay.

Read More:  Transgender woman alleges discrimination in entrance exam process at Lucena City School

Matatandaan, sa kondisyong kasama ang magulang at susunod sa minimum health standards, puwede nang magpunta ang mga limang taong gulang pataas sa mga parke, playgrounds, alfresco dining establishments at beach pero pinahihintulutan ang mga local government kung gustong baguhin ang age restrictions.

Read More:  Mayon unrest pushes Albay farm damage beyond P6.6 million

Nilinaw din sa IATF resolution na kahit kasama ang magulang ay bawal pa rin ang mga batang pagala-gala sa mga mall at mga kaparehong establisimiyento. // Christian Andres – BNFM Olongapo

Photo Courtesy: TripAdvisor

May be an image of 1 person, food and text