City government ng Olongapo, pag-aaralan pa kung papayagan ding sumakay ng mga PUV ang mga batang edad limang taong gulang pataas

Aantayin pa ng city government ang kopya ng resolusyon ng Inter Agency Task Force Against Covid-19 na pumapayag na palabasin ng bahay ang mga batang may edad limang taon pataas sa mga lugar na nasa ilalim ng modified GCQ at General Community Quarantine.

Ito ay para matiyak kung kasama sa pinapayagan ang pagsakay sa mga pampublikong sasakyan para makapunta sa mga lugar na pinayapayagan na ang mga bata gaya ng parke, playground, beach at iba pa.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Ayon kay Mayor Lenj Paulino, kung tutuusin ay dapat payagang sumakay ng pampublikong sasakyan ang mga batang kasama ang magulang lalo na ngayon pinapayagan ng lumabas ng bahay kung mamasyal sa mga lugar na pinapayagan.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Ganunpaman, pinili ni Paulino na tiyakin kung anu-ano ang nilalaman ng IATF resolution para masigurong walang malalabag na patakaran ang city government. // Christian Andres – BNFM Olongapo

Photo Courtesy: Mapio


May be an image of 3 people and text that says 'Power Cells 6in Salabat Herbal Mix Ginger Brew Tatak Pinoy, Tatak Powercells Salabat! Û.a www.powercells.pl'