Ka-Leody, kakasuhan ang mayor ng Quezon, Bukidnon

Nanindigan si Presidential Candidate ka-Leody de Guzman na gagawin nito ang lahat para mapanagot ang mga nasa likod ng pamamaril sa kanilang grupo sa Quezon, Bukidnon.

Ayon kay de Guzman, naniniwala itong may kinalaman ang alklade ng Quezon na si Pablo Lorenzo III sa pangyayari.

Ipinunto nitong naka-lista si Lorenzo bilang general manager ng plantasyon kung saan naganap ang shooting incident.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions
PHOTO FROM DAVID D’ANGELO

Pinagdududahan din ng presidentiable kung bakit wala raw ginawa ang mga militar kahit na ilang metro lamang ang layo ng mga ito sa kanila.

Sinasabing sinamahan ng grupo ni de Guzman ang mga lider ng Manobo-Pulangiyon para makipagnegosasyon hinggil sa isyu ng land grabbing.

Matatandaang dumipensa na ang PNP sa pangyayari at sinabing wala raw koordinasyon sa kanila ang grupo ni de Guzman.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Bago ito, una nang pinabulaanan ni Lorenzo ang mga akusasyong may kinalaman ito sa nabatid na shooting incident.

Sa panayam ng Brigada NewsFM Cagayan de Oro kamakalawa, sinabi ng alkalde na hindi nito sakop ang mga armadong indibidwal.

Wala rin umano siya sa lugar nang mangyari ang pamamaril, at hindi rin siya nasabihan na mayroong isasagawang aktibidada ang grupo nina de Guzman.
#