Inatasan na ng Department of Energy (DOE) ang mga public utilities sa energy sector na pa-igtingin ang kanilang pwersa sa posibleng epekto ng Bagyong Kiko.
Nagbigay na ng tagubilin si DOE Secretary Alfonso Cusi sa Task Force on Energy Resiliency na siguruhing maibabalik kaagad ang suplay ng kuryente sa mga lugar sa Northern Luzon na maaapektuhan ng pananalasa ng nasabing bagyo.
Kaugnay nito, nanawagan ang kalihim sa lahat na maging mapagmatyag at ireport agad ang mga makikitang panaganib sa mga transmission powers o mga power lines sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at sa mga distribution utilities.

Samantala, ayon sa NGCP, nananatili sa normal operations ang mga transmission line sa Cagayan at ilang bahagi ng Northern Luzon na dinaanan kagabi ng bagyo.