Presidente ng doctors’ group, tila di kontento sa apology ni Roque

Binigyang diin ng presidente ng doctors’ group na una nang binira ni presidential spokesperson Harry Roque na hindi sinsero ang paghingi ng tawad ng kalihim.

Ayon kay Dr. Maricar Limpin, ang apology ay hindi dapat direkta sa kanya sa halip ay sa buong health force, bilang sila ay kinatawan ng healthcare workforce.

Read More:  House prosecutor calls ‘kill criminals’ posts ‘cute,’ rejects iron fist

Mensahe ni Limpin kay Roque, dapat magkomento ang naturang opisyal batay sa facts at hindi ng impressions.

Dapat rin umanong maging conscious ang presidential spokesman sa kanyang mga sinasabi o ginagawa, dahil siya ay kumakatawan sa pangulo.

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Matatandaan na sa pulong ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, iminungkahi ni Limpin at Dr. Antonio Dans, convenor ng Healthcare Professionals Alliance Against COVID-19 ang two-week hard lockdown para matugunan ang surge sa mga kaso ng COVID-19, bagay na naging dahilan para pagalitan ni Roque ang mga ito.