Team Lebron wagi sa 2022 NBA All-Star game, Curry tinanghal bilang MVP

Wagi ang Team Lebron laban sa Team Durant sa isinagawang 2022 All-Star game sa Cleveland, 163-160.

Makakatanggap ng $450,000 ang maiuuwi sa charity of choice ni Lebron James habang $300,000 naman ang ibibigay sa napiling charity organization ni Kevin Durant.

Sa bagong format tatanghalin panalo ang unang koponan na makakaabot sa target score na 163.

Muntik nang masilat ang Team Lebron kung hindi naibulso ni James ang jumpshot nito para selyuhan ang laban.

Itinanghal naman bilang All-Star MVP si Stephen Curry matapos magtala ng 50 points at record high na 16 3-pointers kung saan natanggap nito ang kauna-unahang Kobe Bryant trophy.