AFP, nagbabala sa mga sundalong masasangkot sa moonlighting activities

Nagbabala ang Armed Forces of the Philippines sa mga sundalong masasangkot sa ‘moonlighting’ activities.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, dapat isaisip ng mga sundalo na sila’y professional at ang mandato nila ay protektahan ang bansa at ang mamamayan nito.

Read More:  Marcos names Rodil Zalameda as new Supreme Court chief justice

Mariin din sinabi ni Padilla na hindi kailanman pinapayagan sa sandatahang lakas ang ganitong klaseng aktibidad.

Paglilinaw ng AFP, tanging ang pangulo, 1st family at bise presidente lang ang binibigyan nila ng VIP security.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Kung mayroon mang sundalong mapapatunayang sangkot sa gawaing ito, ayon sa opisyal maaaring maharap ang mga ito sa nararapat na parusa.

Maaalalang ilang tauhan ng Philippine National Police kamakailan lamang ay nahuling sangkot sa moonlighting activities.