Mahigit 15B pesos na pondong ipinautang umano ng PhilHealth noong nakaraang administrasyon, kinuwestyon sa pagdinig sa Kamara

Ipinanawagan ng mga kongresista ang mas malalim na imbestigasyon hinggil sa umano’y advanced payment na ibinigay ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth sa mga ospital na nagkakahalaga ng 15.5 billion pesos.

Sa oversight hearing ng House Committee on Appropriations, binusisi ng mga mambabatas ang legalidad at pagiging transparent ng kontrobersyal na Interim Reimbursement Mechanism program na ipinatupad noong administrasyong Duterte.

Ayon kay House Assistant Minority Leader Arlene Brosas, may mga alegasyon na ibinulsa lamang umano ng mga tiwaling opisyal ang pondong inilabas ng PhilHealth.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Ang sistema aniya ay ipinautang sa mga negosyante at may-ari ng ospital ang pondo na nakalaan sana sa emergency fund para sa natural disasters.

Nais din malaman ni House Deputy Majority Leader Janette Garin ang legalidad ng paggamit ng pondo ng PhilHealth para gawing kapital ng mga pribadong ospital at government hospitals.

Kuwestyonable naman para kay Committee Seniorn Vice Chairperson at Marikina City Representative Stella Quimbo kung paano pinili ang mga ospital na binigyan ng pondo mula sa IRM dahil nagkaroon umano ng initial findings na ang selection ay walang kinalaman sa COVID-19 patterns.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Kinumpirma ng state insurer na ang President at CEO nito noong ipinatupad ang IRM ay ang retiradong Army general na si Ricardo Morales.

Sa mosyon ni Garin ay inatasan ng komite ang PhilHealth na isumite ang lahat ng dokumento kabilang ang minutes of the meetings kaugnay sa conceptualization hanggang sa implementasyon ng IRM.