AFP, magsasagawa ng interfaith memorial service para sa mga sundalong nasawi sa pagbagsak ng C-130 plane

Bibigyan ng pagkilala ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang lahat ng mga sundalong nasawi sa bumagsak na C-130 plane sa Patikul, Sulu noong Linggo.

Sa impormasyon mula sa kanilang Public Affairs Office, magkakaroon bukas ng interfaith memorial service para sa mga sundalong namatay sa nangyaring aksidente.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Gaganapin ito bukas, alas-3:30 ng hapon, sa kanilang general headquarters sa Camp Aguinaldo.

Kabilang sa programa ang pagbibigay ng mensahe ni AFP Chief of Staff General Cirilito Sobejana, 21-gun salute at flag retreat.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Patuloy naman silang humihiling ng panalangin para sa mga nasawi at para sa mga pamilyang naiwan ng mga ito.

Mababatid na umabot sa 49 ang mga sundalong nasawi sa bumagsak na C-130 plane na itinuturing na isa sa pinakamalalang trahedya na panghimpapawid  sa bansa.