Window hour para sa mga residenteng magpapakain ng mga alagang isda sa Taal Lake, pinayagan na ng PAMB

Inihayag ng Office of the Civil Defense-CALABARZON na pumayag na ang Protected Area Management Board (PAMB) na siyang nangangalaga sa lawa ng Taal na magkaroon ng window hour para sa mga residenteng magpapakain ng kanilang mga alagang isda.

Limitadong oras lamang ang ibinigay ng PAMB sa mga mangingisda kung saan papayagan silang makapunta simula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon.

Pagkatapos naman mapakain ang mga isda, kailangan na rin agad ng mga itong bumalik sa mga evacuation center.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Ayon kay Ma. Theresa Escolano, Director ng OCD-CALABARZON, kinakailangan nilang balansehin dahil may mga aktibidad naman talaga na kinakailang gawin sa lawa kagaya nang pagpapakain at paghaharvest ng mga isda.

Mababatid na noong mga nakaraang araw ay ipinagbawal ang anumang aktibidad sa lawa ng Taal kung saan ilang mga residente ang nasita ng mga awtoridad.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Kaugnay nito, mas pina-igting pa ang pagbabantay ng Philippine Coast Guard sa Taal Lake upang masiguro na lahat ay susunod sa nasabing window hour.

Samantala, nagpasalamat naman ang mga residente partikular ang mula sa mga bayan ng Agoncillo at Laurel sa desisyong ito ng PAMB na kahit nananatili ang panganib na dala ng bulkan ay masisiguro naman nila na patuloy ang kanilang kabuhayan.