AFP chief Lt. Gen. Bacarro, tiniyak ang ‘UNITY’

Pinasalamatan ni bagong Armed Forces of the Philippines chief-of-staff Lt. Gen. Bartolome Bacarro para sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya ni Pangulong Bongbong Marcos.

Sa pormal na turnover ceremony ngayong hapon sa Kampo Aguinaldo, sinabi ng Medal of Valor awardee na si Bacarro na hindi nito sasayangin ang pagkakataong ibinigay sa kanya ng commander in chief.

Bagamat aminado itong malaking responsibilidad ang pagiging hepe ng Sandatahang Lakas, makatitiyak umano ang mga Pilipino na makatutuwang nito ang AFP para makamit ang vision nito para sa bansa.

Ginamit din ni Bacaroo ang acronym na ‘UNITY’ – ang campaign tagline ni Marcos, bilang kanyang mga pangunahing programa bilang chief-of-staff.

‘U’ para sa Unparalleled professionalism. Ibinihagi nito kung papaanong sa mga nagdaang taon ay nananatiling mataas ang approval ratings ng AFP.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

‘N’ naman para sa Noble utilization of resources. Ayon kay Bacarro, batid nila na dahil sa epekto ng pandemya ay gipit na ang resources ng Gobyerno ngunit makatitiyak umano ang publiko na epektibo pa rin nilang magagampanan ang kanilang mga objectives.

‘I’ naman para sa Invigorating capability development kung saan ay tiniyak nitong magtutuluy-tuloy ang modernization efforts sa AFP; ‘T’ para sa Tenacity in sustaining our gains kasabay ng pagtitiyak na hindi sila magpapagapi sa mga panlabas at panloob na banta sa bansa; at ‘Y’ para sa Yearning service excellence.

Sa huli, nanindigan si Bacarro na ‘shared responsibility’ ang pagkamit sa ikabubuti ng lahat kaya nanawagan ito ng pakikipagtulungan.

Pormal na ipinasa ni former AFP chief of staff Gen. Andres Centino ang kanyang mga tungkulin sa bagong hepe.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Ibinida ni Centino ang mga napagtagupayan ng Sandatahang Lakas sa ilalim ng kanyang pamumuno kabilang na ang mga nakamit sa pagsugpo ng insurgency; pati na rin ang ‘zero-reported’ human rights violation.

Ginawad ni Marcos ng Philippine Legion of Honor para kay Centino.

Sa talumpati ng commander-in-chief, inilarawan ni Marcos ang dating AFP chief bilang ‘true patriot’ at ‘accomplished officer’.

Pinasalamatan din niya si Centino para sa mga naiambag nito para sa bansa.

Si Centino ay nagsilbi bilang AFP chief sa loob ng walong buwan at mayroon pang halos anim na buwan bago ang kanyang mandatory retirement.

Samantala, si Bacarro naman ang kauna-unahang top military official na makikinabang sa Republic Act No. 11709 na layong bigyan ng tatlong taon na fixed term ang AFP chief of staff.
#